FINALS: Powerade Tigers 1 - 3 Talk N Text Tropang Texters
 
Hindi pa rin makapaniwala ang trainer ng basketbolistang si Ali Peek na si Coach Jon Aquino sa pagbaril sa star player.

Maituturing na bayani sa insidente si Coach Jon na siyang nagdala sa ospital sa duguang basketbolista.

Kuwento ni Coach Jon, magkasama pa sila ni Ali at ilang kaibigan sa RFM gym ilang sandali bago siya binaril. Naghiwalay lang sila nang papunta na sila sa kani-kanilang kotse sa parking lot.

Aniya, “I just heard a gunshot, so I went out. I saw Ali, he was holding on his neck.”
Ayon kay Coach Jon, napakabilis ng mga pangyayari at hindi niya nakita ang suspek.

Naging prayoridad niyang mailigtas ang buhay ni Peek.

“He’s kind of dizzy na, light-headed because of the blood loss I guess. He kept saying ‘I don't wanna die, I don't wanna die,’” kuwento ni Jon.

Walang alam na kaaway ni Peek si Coach Jon, kaya wala siyang maisip na motibo sa pamamaril.

Giit niya, “Ali is nice. I’m really surprised kung bakit nangyari sa kanya ito.”

Kanina, dumating na ang ina at kapatid ni Peek mula sa Amerika, pero hindi pa napagdedesisyunan ng pamilya kung aalisin ang bala sa leeg ni Peek.

Sa panayam sa telepono ng ABS-CBN News kinumpirma ni Peek na nakakain na siyang muli nang normal.

Sa katunayan, ipinadala pa niya ang latest niyang litrato habang nasa ospital. Makikitang may benda pa siya sa ulo at nag-peace sign pa.

Nagpapalakas din ng kanyang loob ang pagbisita ng mga kapwa basketbolista. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

11/09/2011 11:20 PM


Source: http://www.abs-cbnnews.com/video/sports/11/09/11/ali-peek%E2%80%99s-kin-arrive-manila



Leave a Reply.


Web Apps